Geographical Aspect
Ang Bundok Banahaw ay isang dating bulkan sa Pilipinas na matagpuan sa hangganan ng mga lalawigan ng Laguna at Quezon sa Luzon.
Ito ay isang tinatawag na "extinct volcano". Kapag dumaan ka sa national road ito ay malinaw na nakikita. Dahil ito ay dating bulkan, maraming hot springs na matatagpuan dito at maraming tao rin ang umaakyat sa tuktok nito dahil may "milagro" raw yung tubig na nakapagpapagaling ng maysakit. Ang Banahaw ay may tatlong complex. Ito ay ang Sta. Lucia, Cristobal, at Durungawan o ang mismong tuktok ng Banahaw. Ang inakyat lang naming ay ang Sta. Lucia. Aabutin daw ng isang linggo mahigit kung aakyatin lahat. Masyadong mataas ang Durungawan Complex. Mga 2000m above sea level ang taas nito.
Historical Aspect
Naniniwala ang mga tao na nakatira doon, na ang Bundok Banahaw ay isang "Banal na Bundok". Nasasabi rin ng mga taong naka tira dito, na ang bundok at ang kapaligiran dito ay banal. Ang tubig galing sa ilog dito ay banal rin ayon sa kanila. Ang tawag nila sa kanilang mga banal na lugar sa "Puesto" dahil sa banal na tubig na umaagos dito. natagpuan ang lugar na ito noong panahon ng mga Kastila. Dito rin sinasabi na nagkampo si Macario Sakay. Siya ay isa sa mga huling heneral na sumuko sa mga Amerikano. Ang plano nya para makapagtago ay epektibo. Ginawa nyang kampo itong bundok na ito partikular na sa San Cristobal, kung saan tinawag itong “Devil’s Mountain” nang dahil na rin sa kanya.
Economical Aspect
Nag bebenta sila doon ng mga tinatawag nilang mga agimat na sinasabing nagbibigay swerte raw kapag sinuot. Kumikita sila tuwing may nagaganap na mga "Outbound Trip" ang mga estudyante. Nag bebenta rin sila ng mga kandila para lagyan ng ilaw ang kanila mga kweba nila at para sila'y magdasal. Lumalakas ang kita nila sa tuwing may mga mahahalagang okasyon na may kinalaman sa relihiyon tulad ng Mahal na Araw. Dinadayo ng mga deboto ang Banahaw kaya tumataas ang kita nila.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento