Miyerkules, Nobyembre 6, 2013

SOCAP Elective - Mga Kultura sa Mt. Banahaw

SOCIOLOGY AND ANTHROPOLOGY - ELECTIVE 10
________________________________________
Mga Kultura sa Mt. Banahaw


·                           Para sa ilang matatandang babae, kakaiba ang kanilang pananamit. Ang karamihan ng kanilang suot ay puting blusa at puting mahahabang palda na sinamahan pa ng nakalugay na mahahabang buhok. Kung hindi kami nagkakamali sa aming obserbasyon, sila ata ang mga tinatawag na “babaylan”
·                             Habang kami ay nasa isang simbahan, kapansin-pansin ang kakaibang ugali ng mga taong nakatira malapit doon. Hindi sila pala-ngiti at laging nakasimangot.  Suspetsa namin ay dahil baka iniisip nila na pinagtatawanan naming estudyate ang kanilang simbahan at ang kanilang relihiyon.
·                           Kapansin-pansin din ang mga simbahan ng mga Rizalistas. Si Rizal lang talaga ang makikitang rebulto sa labas at loob ng mga simbahan. Wala talagang istwatwa o rebulto ni Hesus o Maria na tradisyunal sa mga simbahan sa bansa.  
·                            Malapit sa ilog Hordan karamihan ng mga paninda doon ay mga anting-anting at iba-ibang pampasuwerte na pilipinong-pilipino ang itsura na nagpapahiwatig na buhay pa talaga sa ating panahon ang pagiging mapamahiin. 

1 komento: